PAGKALAS NG PINAS SA ICC SUPORTADO SA SENADO 

titosottoicc

(NI NOEL ABUEL)

WALANG nakikitang problema ang liderato ng Senado sa pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, walang negatibong epekto sa bansa ang hindi na pagkilala sa ICC lalo na at hindi naman ito nakatutulong sa buhay ng mga Filipino.

Giit pa ni Sotto na maging ang Estados Unidos ay hindi kinikilala ang ICC at walang tumutol na mga mambabatas sa desisyon ng kanilang opisyal.

“I don’t think so. As a matter of fact, the United States is also not inclined to support the ICC. They are barring the members of the ICC from interfering with United States policies. The same thing in the Philippines, kasi lalo na, muddled masyado. Pati ang kwento at report sa ICC, pagkakaalam ko, muddled. Ang kwento roon, may political persecution, tapos lahat ng deaths nu’ng nakaraang taon ikini-claim nila na EJK lahat, look at the figures, hindi EJK lahat ‘yun,” paliwanag pa nito.

Idinagdag pa nito na mali ang impormasyong nakarating sa ICC sa usapin ng paglaban ng Duterte administration sa illegal na droga sa bansa at sa mga napatay sa operasyon ng mga awtoridad.

“A very small percentage was killed in the police operations. In the last figures that I know, that I have seen, 68,000 plus ang mga drug operations, and there are more than 78,000 arrests. Ang namatay doon sa mga drug operations na ito, a little over 3,000 only. Kaya lang the figures that they sent the ICC, and I don’t know who are these people sending figures, sabi mga 12,000 daw ‘yung mga napatay,” sabi pa nito.

 

 

 

181

Related posts

Leave a Comment