‘KRISTO’, ‘SANTO PAPA’ ARESTADO SA DROGA

WALANG inirekomendang piyansa ang korte sa isang 26-anyos na kapangalan ni ‘Jesus of Nazareth’ na nadakip sa bisa ng warrant of arrest sa San Andres Bukid, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Jesus Nazareth y Agao, binata, tambay at residente ng San Andres Bukid.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., commander ng Manila Police District – Sta. Ana Police Station 6, bandang alas-10:00 ng umaga nang arestuhin ang suspek sa Dagonoy Street sa San Andres Bukid.

Ayon ito sa direktiba ni MPD Director, P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco kay P/Lt. Col. Mirando na sugpuin ang masamang elemento na gumagala at wanted sa batas .

Nabatid na inatasan ni Mirando ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni P/Major Geuel Capuz, hepe ng Intelligence Section, at si P/Lt. Renato Ramento, hepe ng Station Warrant Section, kasanib ng puwersa ng 3rd MFC-RMFB ng NCRPO na pinamunuan ni P/Major Edgar Dimaunahan at tatlo nitong mga tauhan, sa pag-aresto sa suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

na may petsang July 4, 2022.

Samantala, inaresto rin sa bisa ng arrest warrant ang isang 28-anyos na kapangalan ng Sto. Papa sa magkaparehong kaso sa nasabing lugar.

Tulad ni Nazareth, walang inirekomendang piyansa kay John Paul Maxtao, jobless, para sa katulad ng kaso.

Inaresto si Maxtao sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Danilo Leyva. (RENE CRISOSTOMO)

133

Related posts

Leave a Comment