HINDI pinalipas ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Loss Carlson ang 14 oras mula nang dumating sa bansa at agad nakipagkita kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Malacañang upang ibigay ang kanyang “Letter of Credentials”.
“Mr. President, I am deeply honored to present my credentials to you today as the United States Ambassador to the Republic of the Philippines. As President Biden emphasized in his call with you on May 10, America’s commitment to the Philippines is deep and enduring – as friend, ally and partner,” ani Amb. Carlson matapos iabot kay Pangulong Marcos ang kanyang credentials.
Pinalitan ni Carlson si dating US Ambassador to the Philippines Sung Kim na nagtapos ng kanyang tour of duty noong Oktubre 2020.
Ang beteranong diplomat ay nasa foreign service simula 1985 at kamakailan ay nagsilbi sa diplomatic missions sa Argentina, India, China, Ukraine, Hong Kong, Mozambique, Kenya, at Dominican Republic.
Nakamit ni Carlson ang kanyang degree sa Spanish at International Studies mula sa Rhodes College sa Memphis, Tennessee, at Master of Arts in International Relations mula Georgetown University sa Washington, D.C. (JESSE KABEL/CHRISTIAN DALE)
