HANGAD ni Quezon 4th District Representative Keith Micah “Atty. Mike” D.L. Tan na tuparin ang mga repormang pangkalusugan na hindi natapos ng kanyang ina, na kabilang sa mga nakalinya sa mga nabanggit sa unang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kabilang sa landmark health reform na ito ang pagtatatag ng “Philippine Center for Disease Prevention and Control (CDC) Act” (House Bill No. 281); “Virology Institute of the Philippines (VIP) Act (HB 282); at “Medical Reserve Corps Act” (HB 285) na pawang inaprubahan na ng nakaraang Kongreso.
Matatandaan na pinangunahan ni dating Representative Angelina “Helen” Tan ng 4th District ng Quezon at ngayon ay unang babaeng Gobernadora ng Lalawigan ng Quezon ang pagsasabatas ng mga ito bilang Chairperson ng Committee on Health sa Mababang Kapulungan.
Naniniwala si Cong. Tan na ang maagang pagkilos upang maging ganap na batas ang CDC ay kailangang-kailangan ng bansa, tulad din ng lahat ng health systems sa mundo na pawang mga kulang sa kahandaan sa hamon ng pandemya tulad ng COVID-19.
“The bill seeks to modernize the country’s capabilities for public health emergency preparedness and strengthen the current bureaucracy that is mandated to address communicable diseases in the country through organizational and institutional reforms,” paliwanag ni Tan.
Upang maging handa kontra public health emergencies, binigyang diin ng baguhang mambabatas na kailangang magsimula sa health modernization at institutional reforms. “We cannot keep on rearranging the boxes in our health organization without capacitating our health personnel and resources. The modernization and reorganization of our health system must go hand in hand to protect the public from health risks,” ayon pa rito.
Samantala, ang panukalang pagtatayo ng VIP ay layuning sumentro sa pagpapaunlad ng mga larangan para sa virology science at technology applications nito sa mga halaman, hayop at tao. Ang VIP din ang magpa-facilitate sa paghahanda ng bansa kontra pandemya o public health emergencies at layunin din nito na matamo ang vaccine self-sufficiency.
Ang pagtatatag naman ng MRC sa kabilang banda, ay isang proactive response na kailangan palakasin ang medical frontliners sa panahon ng public health emergencies at sa iba pang dahilan bilang tugon sa mga banta sa kalusugan ng publiko.
Hinikayat ni Tan ang mga miyembro ng 19th Congress na suportahan at madaliin ang pagsasabatas ng priority bills ng Pangulo na matagal nang overdue.
239