HINDI na natiis ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte-Carpio na pagala-gala pa rin ang mga suspek sa panghahalay at pagnanakaw sa apat na mga guro sa Camarines Sur, kaya inatasan nito ang Philippine National Police (PNP) na madaliin ang paghanahanap sa mga responsable sa krimen.
Nabatid na may isang buwan na ang nakararaan ay wala pa ring ‘lead’ ang PNP sa krimen kung kaya’t si VP Inday Sara na ang nag-utos sa mga ito na madaliin ang pagresolba sa kaso ng mga guro na ginahasa at hinoldap.
Sa kanyang Major Command Conference, ipinatawag nito ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP para humingi ng update hinggil sa criminality at communist insurgency.
Layunin din ng pagpapatawag ni VP Sara na matiyak na ligtas at maayos ang peace and order situation habang nasa labas ng bansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dumadalo sa official state functions sa Indonesia at Singapore.
Nabatid na inilapit na ni VP Inday Sara kay Police Deputy Director for Administrations Lt. Gen. Chiquito Malayo ang nasabing kaso ng mga guro.
“No Mercy”, ayon sa bise presidente, “Hindi dapat binibigyan ng awa ang mga kriminal o sino mang kaaway ng estado”. (JESSE KABEL)
146