DINUROG ng Ateneo ang Far Eastern University, 80-61 at umabante sa finals ng UAAP Season 81 men’s basketball competition kahapon sa Araneta Coliseum.
Nagparamdam ang top seed Blue Eagles ng pagnanais na makausad sa finals, nang humugot agad ng walong sunod na puntos sa umpisa ng laro, kasama ang pampaganang magkasunod na dunks ni Thirdy Ravena.
Dahilan para agad ring mag-time-out si Tamaraws coach Olsen Racela.
Nagsara ang first half na may 14-point lead, 38-24.
Inasahan ng marami na makakapag-adjust ng play ang FEU.
Pero, sa kaagahan ng third period, umiskor ang Ateneo ng 15 points para palakihin pa ang abante, na umabot sa 31 points, 59-28.
Sa ikatlong sunod na season, lalaro sa finals ang Ateneo.
Natalo ang Blue Eagles sa karibal na De La Salle University noong Season 79, pero, nakaresbak at ina-gaw ang korona laban sa Green Archers sa Season 80.
Ang Tamaraws ay nagawa lamang makadikit nang hanggang 17 puntos.
Mula doon ay hindi na lumingon pa ang Blue Eagles at tuluyan nang pinagsarhan ang Tamaraws.
Dahil sa panalo, ang top-seeded at twice-to-beat Ateneo ay hihintayin na lang ang winner sa pagitan ng No. 2 Adamson University at third-seed University of the Philippines, na maghaharap sa Miyerkules sa isang knockout game.
Target din ng Ateneo na masungkit ang kanilang ika-10 kampeonato.
Si Ravena, nakababatang kapatid ni dating King Eagle Kiefer, ay nagsumite ng 22 points, seven re-bounds, four assists, two steals at block bago na-fouled out bago natapos ang fourth canto.
Nagdagdag naman si Angelo Kouame ng 18 points, 11 rebounds at four shot blocks, habang sina Raffy Verano, MattNieto at Isaac Go ay nagsanib sa 19 puntos.
Wala namang FEU player ang umiskor ng double-digit. May nine points lang si Barkley Ebona, habang si Prince Orizu ay may seven points at four rebounds.
Ang iskor:
ATENEO (80) – Ravena 22, Kouame 18, Verano 7, Nieto Ma 6, Go 6, Nieto Mi 5, Belangel 4, Mamuyac 3, Asistio 3, Mendoza 3, Black 2, Tio 1, Wong 0, Navarro 0, Daves 0, Andrade 0
FEU (61) – Ebona 9, Orizu 7, Ramirez 7, Gonzales 6, Inigo 5, Tolentino 5, Stockton 5, Tuffin 4, Parker 4, Escoto 4, Comboy 3, Cani 2, Bienes 0, Bayquin 0, Jopia 0, Nunag 0
Quarters: 17-9, 38-24, 59-36, 80-61
204