(NI JG TUMBADO)
SISIMULAN sa Abril ang decommissioning o pagtatanggal sa armas sa hanay ng kanilang kasapi ang Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon kay Bangsamoro chief minister at MILF Chair Murad Ebrahim isinumite na nila ang listahan ng nasa 12,000 MILF fighters at ang kanilang mga armas.
Ang nasabing bilang ay kumakatawan sa 30% ng kabuuang bilang ng MILF forces at una sa tatlong yugto ng “gradual decommissioning.”
Sinabi pa ni Ebrahim na isasailalim pa sa beripikasyon ang nasabing mga armas.
Ang proseso ay sasaksihan ng independent international monitoring team na International Decommissioning Body (IDB).
Ang nasabing decommissioning ng mga armas ay kabilang sa naging kasunduan sa binuong Bangsamoro Organic Law o (BOL).
341