2 alalay nadamay 2 BIR EMPLOYEES TIMBOG SA KOTONG

NALAMBAT sa entrapment operation ang dalawang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at kanilang dalawang kasabwat dahil sa umano’y pangongotong sa isang negosyante sa Caloocan City.

Dinakip ang mga suspek na sina April Claudine Dela Cruz, 30, Data Controller II, Assessment Division, BIR District 5, Caloocan; Joyet Alvero, 55, Admin Assistant Officer, BIR District 5; Jennifer Roldan, 49, freelance liaison officer, at Ariel Roble, 46, freelance bookkeeper.

Kinasuhan ng robbery extortion at paglabag sa Section 17 ng RA 6713 o Code of Ethical Standards for Public Officials and Employees ang dalawang kawani ng BIR, habang ang dalawa nilang kasapakat ay kinasuhan ng robbery extortion sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Sinakote ang mga suspek nang tanggapin ang P1.8 milyong halaga ng marked money sa operasyon dakong alas-10:30 ng gabi noong Huwebes sa #10 Gen. Concepcion St., Brgy. 132, Bagong Barrio, Caloocan City.

Nabatid, sinabihan ng mga suspek ang may-ari ng isang kumpanyang gumagawa ng panel boards sa Brgy. Potrero, Malabon City, na mayroon siyang tax liability na nagkakahalaga ng P13 milyon, at idinagdag na mababawasan lang ang kanyang tax liability kung makapagbabayad siya ng P4.5 milyon hanggang sa magkasundo sila sa P3 milyon.

Noong Disyembre 2, 2022, nagbigay ang nasabing negosyante ng paunang P1.7 milyon ngunit walang inilabas na resibo ang mga suspek, kaya’t humingi ng tulong sa pulisya ang biktima na nagresulta sa pagdakip sa mga suspek. (ALAIN AJERO)

201

Related posts

Leave a Comment