PUMANAW na ang OPM singer at kauna-unahang Pilipinas Got Talent (PGT) grand winner na si Jovit Baldivino sa edad na 29.
Ayon sa ulat, aneurysm ang dahilan ng pagpanaw ng singer bandang alas-kwatro ng madaling araw ng Biyernes habang nakaratay ito sa intensive care unit (ICU) ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City.
Ayon sa asawa nito na si Camille Ann Miguel, noong November 22 ay dumanas ng mild stroke si Jovit. Mayroon din siyang enlarged heart at namanas ito.
Nagpagaling siya ng limang araw sa nasabing ospital at naimbitahan na mag-perform sa isang Christmas party sa Batangas City.
Ngunit matapos kumanta ay sumama ang pakiramdam ni Jovit hanggang muli itong isugod sa ospital.
Dagdag pa ni Camille, na-comatose si Jovit pagkatapos ng kanyang operasyon.
Nakilala si Jovit sa kanyang renditions ng ilang kanta kabilang ang “Ika’y mahal pa rin,” “Pusong bato,” “Mula sa puso,” “Faithfully,” at “Too much love will kill you”.
Nito lamang nakalipas na Nobyembre 28 ay napanood pa siya sa telebisyon nang mapabilang sa mga celebrity contestant ng family feud.
1425