SA hangaring paigtingin ang kalakalan sa gawing katimugan ng bansa, umarangkada na ang negosasyon para sa napapanahong modernisasyon ng Port of Sasa sa Lungsod ng Davao.
Sa isang kalatas, iginiit ng Bureau of Customs – Port of Davao (BOC-Davao) ang bentahe ng isinusulong na modernisasyon ng natirang pantalan kung saan anila maaaring idaong ang dagsa ng mga kargamento sa katimugan.
Ito rin anila ang dahilan sa likod ng ikinasang negosasyon sa Globalport Terminals Inc., na nakasungkit ng 20-year contract para sa cargo handling, passenger, roll-on/roll-off, at iba pang serbisyong kalakip ng mga mandato ng mga tanggapan at distrito ng kawanihan.
Partikular na isinusulong ng BOC-Davao ang proyektong magbibigay-daan para sa mas malaki at modernong pantalan, batay na rin sa “8-point socioeconomic strategy” na giit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Para kay BOC-Davao District Collector Atty. Erastus Sandino Austria, angkop lang na bigyan puwang ang mas modernong pasilidad lalo pa aniya’t patuloy ang pagdagsa ng mga kargamento sa naturang rehiyon.
“The significant increase indicated how robust the local economy is in the Davao Region, clearly aligned with Globalport’s expansion project.”
“A month before the year ends, the Bureau of Customs-Port of Davao, including its sub-ports in General Santos City, Parang, and Mati, has already exceeded its annual target for the year 2022 after having collected P40.49 billion in duties and taxes, or 0.81 percent positive deviation against its assigned target of P40.17 billion,” dagdag pa niya.
