WIZARDS SABLAY SA CLIPPERS

NI VT ROMANO

BUMITAW si Nicolas Batum ng tiebreaking 3-pointer sa huling 23.8 seconds, at ipinagkaloob ng Los Angeles Clippers ang ikaanim sunod na talo ng Wizards, 114-107, sa Washington.

Nagtala si Paul George ng 36 points sa Clippers at may ambag si John Wall na 13 sa kanyang pagbabalik sa Washington.

Pero si Batum ang may malalaking basket sa final quarter. Bumato siya ng tatlong 3-pointers sa huling 4:52 at may total 12 points.

Iniskor naman ni Kyle Kuzma ang 25 ng kanyang 35 sa first half para sa Washington.

Makaraang mag-3 point si Batum at ilagay ang Los Angeles sa 110-107 lead, napilitan si Kristaps Porzingis bumitaw ng tres habang mahigpit na binabantayan ni Kawhi Leonard na nagresulta sa airball, at sinundan ng flagrant foul ng kakamping si Deni Avdija sa huling 16.1 seconds.

Ang Wizards ang nag-draft kay Wall bilang No. 1 overall pick noong 2010 at lumaro ng nine seasons sa team.

Nagbalik siya sa Washington bilang player ng Houston Rockets noong 2021, pero walang fans sa laro sanhi ng COVID-19.

Dahil wala si Reggie Jackson, inilagay ng Clippers si Wall bilang starter, una niya sa season, at tumanggap ng palakpak habang ipinakikilala at maging sa timeout kung kailan ipinakita ang kanyang tribute video.

Abante ang Wizards, 10-0. Naging 63-60 sa halftime at napalobo sa 13 sa third.

Pero iniskor ng Los Angeles ang final 15 points ng period at hinablot ang unang kalamangan buhat sa 3-pointer sa buzzer ni Luke Kennard.

225

Related posts

Leave a Comment