PACERS SINILO NG NETS

Ni VT ROMANO

MALIBAN kina All-stars Kevin Durant at Kyrie Irving, may limang iba pang hindi sumalang sa laro ng Brooklyn kontra Indiana ­Pacers.

Sa kabila nito, naitakas ng Brooklyn ang 136-133 win, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa Indianapolis.

Nagtala si Cam Thomas ng career-high 33 points, nagdagdag si Patty Mills ng 24 points para sa ikatlong sunod na panalo ng Brooklyn at pang-anim sa pitong laro.

Na-outrebound ng Nets ang Pacers, 59-30 overall at 29-7 sa offensive side.

Tumapos si Tyrese Haliburton may 35 points, pinakamalaking puntos niya sapol nang mag-join sa Pacers noong Pebrero, mayroon din siyang nine assists.

Anim din sa teammates ni Haliburton ang may double ­figures sa paglista ng 21 3-point shots, kinapos ng dalawa para sa franchise’s single-game record na naitala laban sa Brooklyn noong Oktubre.

Pinagpawisan ang Nets sa tres ni Andrew Nembhard na ­pupwersa sana sa overtime sabay ng buzzer bago tuluyang nagdiwang sa panalo, kahit siyam na manlalaro lamang ang nakauniporme.

Nagawang dumikit ng Brooklyn at bumalikwas matapos habulin ang 120-113 count, 5:04 sa laro.

Susunod na kalaban ng Nets ang Washington Wizards sa Lunes, habang haharapin ng ­Pacers ang Miami Heat.

220

Related posts

Leave a Comment