IMPOSIBLE nang lumusot sa Commission on Appointments ang nominasyon ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo.
Ito ang pahiwatig ni Senate President Juan Miguel Zubiri batay sa inisyal nilang pagtimbang sa mga dokumentong iprinisinta ng kalihim sa CA.
Kinumpirma rin ni Zubiri na batay sa mga natanggap nilang report ng Korte Suprema, pinal na ang naging conviction ni Tulfo sa kanyang kasong libelo.
Taliwas ito sa mga naunang report na nakahain pa ang kanyang apela sa nangyaring conviction.
Ipinaliwanag pa ni Zubiri na may mga precedence na ring ang isang nahatulan ng final conviction ng Korte Suprema sa kasong libelo kaugnay sa moral turpitude ay nangangahulugan na permanent disqualification sa pag-upo sa anumang government office.
Bukod sa conviction sa kasong libel, may isyu rin si Tulfo sa kanyang US Citizenship na kailangan pa ring ipaliwanag. (DANG SAMSON-GARCIA)
