PENTECOSTAL CHURCH PINURI SA SENADO

SA pagkilala sa kanilang pag-aalaga sa ‘holistic well-being’ ng mamamayan, kinilala ni Senator Cynthia A. Villar ang Pentecostal Missionary Church of Christ (PMCC) 4th Watch sa pagdiriwang ng kanilang International Missionary Day.

Idadaos ng PMCC 4th Watch ang kanilang International Missionary Day sa January 15, 2023 na dadaluhan ng kanilang kapatid sa pananampalataya at ministro na nasa bansa at ibang lugar sa mundo.

“Through this online event, PMCC 4th Watch affirms its missionary mandate notwithstanding the restrictions imposed due to COVID-19,” ani Villar.

Sa Resolution 407 ni Villar, binati nito ang missionary group sa ilalim ng liderato ni Apostle Arsenio Ferriol.

Binanggit sa resolution na sa kabila ng mga hamon ng panahon, nanatili ang PMCC sa pagpapakalat sa Salita ng Diyos, mga programang nagbibigay ng inspirasyon, mga dasal at makataong gawain.

Sa panahon ng pandemic at mga krisis na ating kinakaharap, sinabi rin ng senador na nagpatuloy ang PMCC 4th Watch  na tuparin ang kanilang evangelistic at humanitarian work.

Isang simbahan ang PMCC 4th Watch na itinatag ni Ferriol sa bansa noong 1972. Nangako itong tutuparin ang Great Commission na dalhin ang Gospel sa sangkatauhan.

Dahil sa kanilang evangelistic work,  matatagpuan sila sa bawat siyudad at lalawigan sa buong Pilipinas. (ESTONG REYES)

252

Related posts

Leave a Comment