ZHAO NAKIUSAP SA MAKATAONG TRATO VS ILLEGAL CHINESE WORKERS

zhaoji12

(NI BETH JULIAN)

 

NANAWAGAN si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na tratuhin ng makatao ang mga illegal Chinese workers na nahuhuli sa bansa tulad din ng pagtrato ng China sa mga Pinoy workers sa kanilang bayan.

Aminado rin si Zhao sa pagdami ng mga Chinese workers sa bansa gayundin ang posibilidad ng illegal Chinese workers na nakapagtatrabaho.

Gayunman, sinabi ni Zhao na wala itong pinag-iba sa  kanilang bansa sa  China kung saan marami ring mga Pilipino ang ilegal na nagtatrabaho.

Iginiit ni Zhao na mahigpit nilang sinusunod ang kanilang mga polisiya hinggil sa mga dayuhang manggagawa na ilegal na nagtatrabaho.

Ayon kay Zhao, nakasalalay ito sa mga ipinatutupad na batas ng bansa at sa pagsusumikap ng mga awtoridad na mapigilan ito.

Gayunman, panawagan ni Zhao sa mga awtoridad sa Pilipinas na ikonsidera ang makatao o humanitarian style para sa mga Chinese na ilegal na nagtatrabaho sa bansa gaya ng ginagawa rin nilang konsiderasyon sa mga Pilipino na naroroon din sa bansang China na walang kaukulang dokumento.

Tiniyak naman si Zhao na hindi nila hinihikayat ang kanilang mga kababayan na magtrabaho ng ilegal sa ibang dayuhang bansa tulad ng Pilipinas.

286

Related posts

Leave a Comment