Mga tiwali nakapwesto pa rin JPE PUMIYOK SA ISYU NG SMUGGLING

TINUKOY ni Presidential Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile na dahilan ng hindi matapos na problema sa smuggling sa bansa ang mga tiwaling tauhan ng isang tanggapan.

Sa lingguhang programa ni Enrile, tinuran nito na madali ang suhulan sa mga nasa likod ng nasabing katiwalian kaya’t hanggang ngayon ay hindi mawakasan ang problema sa pagpupuslit ng mga kontrabando sa bansa.

Ito’y kahit pamilyar na mga pangalan ang nababanggit na sangkot sa operasyon ng smuggling.

Wika pa ni Enrile, naririyan din ang ilang walang konsensiyang negosyante na ang tanging iniisip ay ang kanilang mga sarili lamang at gagawin ang lahat, makalusot lamang sa pagbabayad ng kailangang buwis para sa gobyerno.

Tinukoy rin niya ang enforcement na may problema kaya’t nananatili ang suliranin sa pagpupuslit ng mga kargamento papasok sa bansa.

Kamakailan ay iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang malawakang reporma sa burukrasya upang masawata ang talamak ng smuggling.

Bukod pa paglaban sa smuggling, nais din ng Pangulo na babaan ang logistics costs at tiyakin na magiging madali ang pagne-negosyo.

Ito’y habang sinusuportahan ng gobyerno ang investments at business activity sa bansa.

Importers, brokers
isu-subpoena

Kasabay naman ng pagsisimula ng imbestigasyon sa umano’y smuggling activities sa Subic Port, hiniling ni Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing Jr., ang presensya ng brokers, importers at facilitator na umano’y sangkot sa large-scale agricultural smuggling.

Sa kanyang sponsorship speech sa House Resolution (HR) 311 na siyang basehan ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda sa nasabing imbestigasyon, hiniling ni Suansing na padalhan ng subpoena ang mga pinangalanan nitong brokers, importers at facilitators.

“I, as principal author of House Resolution No. 311, would like to request the Committee on Ways and Means to issue subpoenas for the following brokers/importers/facilitators allegedly involved in large-scale agricultural smuggling in local ports in the Philippines, namely: Michael Ma, Lujene Ang (300+ containers per week of GM – MICP), Andrew Chang (POM/MICP/Batangas), Beverly Peres, Aaron, Manuel Tan (CDO/Subic/Batangas), Leah Cruz (CDO/MICP), Jun Diamante (CDO), Lucio Lim (Lugene Ang right hand man in BOC), Gerry Teves (MICP),” ani Suansing.

Ipinasusumite rin ng mambabatas sa Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture ang listahan ng mga consignee na kinabibilangan ng Victory JM Enterprises; Taculog International Consumer Goods Trading; Asterzenmed Aggregates; Veneta Consumer Goods Trading; Lalavy Aggregates Trading; Frankie Trading Enterprises; Primex Export – Import Producer; SB Express Logistics Business Solution; Silver Pop Dry Goods Trading; Thousand Sunny Enterprises; Viogelas Viol Aggregates Trading; Junezone Dry Goods Trading at Burias Jang Consumer Goods Trading.

“Finally, I would also like to request records and documents from the Bureau of Customs on importer PilSHON Corporation, whose cigarette products are allegedly flooding Philippine local markets despite only being declared for transshipment to Malaysia,” ayon pa sa mambabatas.

“In view of these requests, I will divulge in due time pertinent information on these individuals and personalities, which would make relevant these requests to the Committee and to the concerned government agencies,” dagdag pa ng mambabatas.

Pinuna ng mambabatas na malaki ng discrepancies ng mga inangkat ng Pilipinas sa China na idineklara sa Philippine Statistic Authority (PSA) kumpara sa aktwal na inexport ng nasabing bansa.

Sa report aniya ng South China Morning Post, umaabot sa US$30.51 billion ang total value ng inangkat ng Pilipinas sa China noong 2021 habang tinataya naman ng United Nations International Trade Statistics Database na umaabot ito sa $57.31 billion subalit $26.8 billion lamang ang inireport ng PSA. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

315

Related posts

Leave a Comment