APELA NI GMA SA KAMARA: IPAGTANGGOL SI DUTERTE

DAPAT manindigan ang Kamara para sa isang dating Pangulo.

Ito ang buod ng isang resolusyong inihain sa Kamara ni House Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo kaugnay ng isinusulong na imbestigasyon ng International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng inakdang House Resolution 780 (In Defense of FPRRD against ICC), target ni Arroyo kasama ang 17 iba pang kongresista na sabayang manindigan at ipagtanggol ang dating Pangulo laban sa pag-uusig na tinutulak ng ICC kaugnay ng madugong giyerang inilunsad kontra droga sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Base sa datos ng mga human rights organizations, mahigit 30,000 katao ang pinaslang sa giyera kontra droga ni Duterte – malayo sa 6,000 pagpanaw na naitala ng Philippine National Police (PNP).

“Former President Rodrigo Roa Duterte’s presidency has ushered remarkable accomplishments brought about by his relentless campaign against illegal drugs, insurgency, separatism and terrorism, corruption in government and criminality thus making the life of every Filipino better, comfortable and peaceful;” pagtatanggol ni Arroyo na pinalaya ni Duterte sa unang taon ng panunungkulan bilang Pangulo ng republika.

Para kay Arroyo, naibalik sa kaayusan ang bansa dahil sa kampanya laban sa droga at terorismo. Ito rin aniya ang nagtulak sa muling pagpasok ng negosyo.

Aniya pa, walang dahilan ang ICC na makisawsaw sa usaping panloob ng bansa lalo pa’t “gumagana ang sistema ng hustisya. Isang insulto rin ayon kay Aroyo ang pagpapatuloy ng ICC investigation sa giyerang pinangunahan mismo ni Duterte sa anim na taong termino. (BERNARD TAGUINOD)

255

Related posts

Leave a Comment