CHICO RIVER PROJECT NG CHINA IPINAHAHARANG SA SC

chico dam12

(NI BERNARD TAGUINOD)

PORMAL nang naghain ng petisyon ang mga militanteng mambabatas sa Korte Suprema laban sa Chico River projects na inutang ng Pilipinas sa China dahil bukod sa dehado umano ang mga Filipino dito ay labag ito sa Konstitusyon.

Sa Petion for prohibition na ihinain nitong Huwebes, , hiniling ng mga militanteng mambabatas sa Kataas-taasang Hukuman na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa nasabing proyekto.

Respondent sa nasabing petisyon sina Pangulong Rodrigo R. Duterte, Executive  Secretary Salvador C. Medialdea, Finance (DOF) Secretary.  Carlos G. Dominguez III,  NEDA Sec. Ernesto M. Pernia, Justice (DOJ) Secretary. Menardo I. Guevarra at National Irrigation Administration(NIA)  Administrator Ricardo R. Visaya.

Ayon sa mga petitioners na sina  Makabayan chair Neri J. Colmenares, Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani T. Zarate, Anakpawis Partylist Rep. Ariel B. Casilao, Gabriela Women’s Partylist Reps. Emerenciana A. De Jesus and Arlene D. Brosas, Act Teachers Partylist Reps. Antonio L. Tinio and Francisca L. Castro, Kabataan Partylist Rep. Sarah Jane I. Elago, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Chairperson Danilo H. Ramos at Kalinga leader Elma A. Tuazon, ilegal at unconstitutional umano ang agreeement loan para sa nasabing proyekto na pinondohan ng China sa halagang US$62,086, 837.82.

Ito ay dahil sa confidentiality clause sa loan agreement na labag umano sa 1987 Constitution, hindi pagsasailalim sa bidding at  batas ng China at sa halip ay batas ng Pilipinas ang iiral kapag nagkaproblema.

Dahil dito, hiniling ng mga petitioners sa SC na maglabas ng TRO laban sa nasabing proyekto, atasan ang mga respondent na ilabas ang dokumento at procurement document ng Chinese contractors.

 

 

142

Related posts

Leave a Comment