PRIBADONG SEKTOR KABALIKAT NG GOBYERNO

SA GANANG AKIN

NAPAKAHALAGA ng tungkulin ng teknolohiya sa mga negosyo sapagkat ito ang nagtutulak tungo sa mas maayos na serbisyo para sa mga konsyumer.

Sa Pilipinas, kapansin-pansin ang technology adoption ng mga kompanya katulad ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) na palaging inuuna ang kapakanan ng mga konsyumer sa mas maayos na serbisyo gamit ang teknolohiya.

Sa isang panayam, binigyang-diin ni MPIC Chairman Manuel V. Pangilinan o MVP, ang kahalagahan ng teknolohiya sa pagpapabuti ng serbisyo ng mga kompanya sa ilalim ng MPIC.

Isa na rito ang PLDT na prayoridad ang paunlarin ang fixed-line at wireless telco business at ng intellectual capital business tulad ng mga data center at business solutions.

Dagdag pa, ang PLDT ang susuporta sa tuluy-tuloy na technological advancements ng iba pang kompanya sa ilalim ng MVP Group. Kabilang na rito ang mWell—ang kauna-unahang fully integrated at fully digital health at wellness platform, at ang DriveHub mobile application para sa mobility solutions ng Metro Pacific Tollways Corp.

Sa sektor naman ng enerhiya, inihayag ni MVP ang suporta ng grupo sa plano ng pamahalaan na pasukin ang nuclear technology sa pamamagitan ng Manila Electric Company, sa ilalim ng programa nitong “Powering the Good Life.”

Bilang ang Pilipinas ay isang archipelago, maaari umanong buksan ng Pilipinas ang pintuan nito para sa mga modular power plants upang mabigyan ng mas maayos na serbisyo ng kuryente ang mga lugar na hindi konektado sa mga grid.

Binigyan-diin din niya ang kahalagahan na ihanda ang ating mga eksperto para sa nasabing teknolohiya sa pagbibigay ng mga scholarship grant sa mga nuclear engineer, pati na ang kahalagahan ng capacity-building upang mapalawak ang kaalaman ng bansa sa nuclear at maiwasan ang mga posibleng panganib mula rito.

Naniniwala si MVP na malaki ang posibilidad ng nuclear adoption ng Pilipinas gayong kabilang ito sa mga nais ipatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na taos-puso ang pagtanggap sa mga suportang ibinibigay ng pribadong sektor upang paunlarin ang ating bansa.

Makakaasa naman ang publiko sa patuloy na pagsuporta ng MVP Group sa mga programa ng pamahalaan. Kamakailan, inihayag nito ang suporta sa GoDigital agenda ng Private Sector Advisory Council sa pamamagitan ng digitalization.

Sa ilalim ng Maynilad, inilunsad ng kompanya ang Customer Care QR Code upang mas mapadali ang pakikipag-transaksyon ng mga customer sa Maynilad. Nakipag-ugnayan din ang Light Rail Manila Corporation sa Airspeed Group para sa PopBox, ang bagong smart locker system na maaaring gamitin ng mga customer na collection point ng mga package.

Mula sa kanyang “growth” mindset na ipinapasa sa mga manggagawa ng MVP Group, ang mga inisyatibang ito ang nagpapatunay sa pagiging maagap ni MVP sa pagbibigay ng solusyon sa mga pangangailangan ng mga konsyumer at higit sa lahat, upang suportahan ang patuloy na pag-unlad ng Pilipinas.

355

Related posts

Leave a Comment