PLEBISITO SA CARMONA, CAVITE BILANG COMPONENT CITY SA JULY 8

KASADO na ang pagdaraos ng plebesito sa Hulyo 8 para sa conversion ng munisipalidad ng Carmona sa Cavite bilang component city.

Ayon ito sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10901 na isinapubliko noong Lunes.

Itinakda ng Comelec ang information and campaign period mula Hunyo 8 hanggang Hulyo 6.

Sa nasabing panahon, ipagbabawal na tanggalin, sirain, at pakialaman ang mga legal na materyales sa propaganda ng plebisito; appointment o pagkuha ng mga bagong empleyado o pag-promote o pagbibigay ng mga pagtaas ng suweldo; pagpapalabas ng pampublikong pondo; pagbili ng boto at pagbebenta ng boto; at public works construction.

Ang plebisito sa Carmona, Cavite ay isasagawa mula Hulyo 8 hanggang Hulyo 15.

Hindi papayagan sa panahon ng plebisito ang pagdadala ng mga armas at iba pang deadly weapons; maintenance ng reaction forces; paglilipat ng opisyal o empleyado sa civil service; suspension ng local elective officials; at illegal release ng mga bilanggo.

Ipatutupad din ang liquor ban habang ang kampanya ay ipagbabawal sa Hulyo 7, bisperas ng araw ng plebisito.

Sa araw ng plebisito, maaaring bumoto ang mga botante mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon

Ang canvassing ng mga boto ng Plebiscite Board of Canvassers ay inaasahang isasagawa bandang alas-6:00 ng gabi, na susundan ng proklamasyon ng mga resulta ng plebisito.

Inaprubahan ng Republic Act 11938 ang pagdaraos ng plebisito para gawing component city ang nasabing bayan. (RENE CRISOSTOMO)

415

Related posts

Leave a Comment