Tinawag na April’s fool joke ni Atty. Ferdinand Topacio ang claim ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na 99 percent nang solved ang kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Roel Degamo.
Ito ang sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio sa isinagawang pandesal forum sa Quezon City, na palaisipan sa kanya kung ano ang batayan dito ni Remulla sa kanyang pahayag.
Aniya, kung totoong 99 percent nang lutas ang kaso, paano pa maididiin sa kaso si Congressman Arnie Teves kung 0.1 percent na lang pala ang bahagi ni Teves sa kaso.
Ani Topacio, kung tunay na hawak na ng otoridad ang umano ay “main player” sa pagpatay kay Degamo, bakit mag-aantay pa ng dalawang araw bago ito iharap sa media?
Kabilang sa mga dumalo sa forum ay sina Atty. Rose Erames-Lovely, Negros Oriental-based lawyer ni Cong. Arnie Teves at Atty. Michael Mella.
Kasabay nito, nagpahayag naman ng pagkabahala si Atty. Michael Mella sa mga pattern ng mga reklamo ng psychological pressure at torture ng mga inaresto sa mga raids ng CIDG sa mga bahay ng mga Teves.
Kaugnay nito, umapela ang mga abogado kay DILG Secretary Benhur Abalos na silipin ang involvelent ng mga pulis sa alegasyon ng harrasment at torture.
Nauna nang nagpahayag ng pagtataka si Atty. Topacio sa isinagawang press conference kamakailan sa isang restaurant sa Quezon City bago magreklamo ni Hannah Mae Sumerano, staff ni Cong. Teves sa Commission on Human Rights (CHR) na biglang sinalakay ang kanilang bahay at hinuli silang mag-asawa ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na sila sa Camp Crame, Quezon City.
Matapos na humingi ng saklolo si Hazel Sumerano kapatid ni Hanna Mae sa CHR ay pinakawalan siya, subalit ang kanyang asawa na nanatili sa kulungan.
Ibinunyag ni Hanna Mae na pilit ipinadidin sa kanya ng mga taga-CIDG si Cong. Teves at ipinaaamin sa kanya na siya ang nagbayad sa mga suspek na hinuli ng mga awtoridad na umanoy pumatay kay Degamo.
Si Hannae Mae ay secretary ni Cong. Teves na siyang nagpapasweldo sa mga tauhan ng kongresista sa Negros Oriental.
Ang naranasan ni Hanna Mae ay nararanasan din ngayon ng ilang suspek na hinuli ng mga awtoridad na pilit silang pinaaamin at ipinadidiin sa kanila sa mga kaso si Cong. Teves.
Matatandaan kamakailan bago pa man pinatay si Degamo sa isinagawang press conference na ipinatawag ni Cong. Teves sa Valle Verde Club House, Pasig City ay inihayag niya na masyado siyang ginigipit at pinipersonal ni DILG Secretary Abalos lalo sa isyu ng e-sabong na kung saan ay sinabi niyang wala na siya sa nasabing sugal.
Binanggit din ni Teves sa naturang prescon na may natanggap siyang intel report na planong salakayin ng mga awtoridad ang kanyang bahay sa Negros Oriental at kung walang makuhang mga ebidnsiya ay tatanim ito.(Joel O. Amongo)
529