Marami ang nababagabag na mamamayan ngayon ang nawawalan ng kumpyansa sa Criminal Investigation and Detection Group-Philippine National Police (CIDG-PNP) at owtoridad.
Ito ang kaliwa at kanan na nababasa sa social media sa mga krimen at kaganapan sa bansa.
Una nang na-dismaya ang marami ng agarang mapawalang sala ang nasakote sa buy-operation ng ilegal na droga nakaraan ang anak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na si Juanito Jose Remulla III.
Kung saan nabalewala ang sigaw ng mamamayan kay Presidenteng Bongbong Marcos na dapat mag-resign si Justice Sec. Remulla.
Sa ngayon naman, laman ng social media ang kaso sa pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong nakaraan lang. Gigil ang mga Netizens sa halatang pagkakasangkot ng kalaban sa Politika ng mga Degamo na si Cong. Arnie Teves Jr.
Ayon sa mga ito ay halatang-halata na scripted ang ginagawang pag diin kay Teves na dinamay pa ang buong angkan.
Samantala, maging ilang personalidad ay nagbigay ng pagka dismaya.
Gaya ng dating legal head ni former President Rodrigo Duterte na si Salvador Panelo ang kapalpakan ng Kongreso sa pag-suspindi kay Teves.
Ilang buwan palang ang administrasyon tila ang ilan sa mga supporters ni Presidente Marcos ay nakakaramdam ng pangamba na muling magkaroon ng diktadurya sa bansa dahil sa maling gawa ng ilang kabinete nila.
