PALASYO DUMIPENSA KAY ALBAYALDE

albayalde121

(Ni FRANCIS SORIANO)

DINEPENSAHAN ng Palasyo si Philippine National Police chief General Oscar Albayalde matapos ang sunud-sunod na panawagan ng mga militanteng grupo kaugnay sa madugong police operations sa lalawigan Negros Oriental na ikinamatay ng 14 magsasaka na umano’y mga miyembro New People’s Army (NPA).

Sa pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, sinabi nitong walang koneksyon o basehan ang panawagan ng mga militanteng grupo para pababain sa puwesto si Albayalde dahil legitimate police operations ito at ginagampanan lamang nila ang kanilang tungkulin.

“As the PNP explained, this is not a case of massacre given the fact that those who surrendered without forceful resistance were lawfully apprehended unharmed following the discovery of illegal items pursuant to the court sanctioned search. In fact, a policeman was wounded which goes to show that there were indeed some who used violent resistance when authorities were conducting the search,” dagdag na pahayag ni Panelo.

Nauna na rin sinibak ni Albayalde sa mga puwesto ang ilang matatas na opisyal ng PNP upang bigyan daan ang imbestigasyon sa insidente.

373

Related posts

Leave a Comment