MGA DATING ADIK SASANAYIN NG TESDA

UPANG tuluyang maiiwas sa kanilang bisyo, magkakaroon ng programa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga dating drug dependent.

Ito ang nilalaman ng House Bill (HB) 7721 o “An Act Mandating the TESDA to Design and Implement Technical-Vocational Education and Training and Livelihood Programs Specifically for Rehabilitated Drug Dependents” na pinagtibay ng Kamara.

Sa botong 260 pabor at walang tumutol, lumusot ang nasabing panukala sa ikatlo at huling pagbasa na magbibigay pag-asa sa mga dating drug addict na magkaroon ng hanapbuhay.

Base sa panukala, magtataga ang TESDA ng technical-vocational education and training (TVET) at livelihood programs para sa mga dating drug dependent na sumailalim sa rehabilitasyon.

“Many of our citizens who have fallen victim to illegal drugs and have successfully undergone rehabilitation find it very difficult to reintegrate into society as productive citizens not only because of the stigma but also due to the lack of skills needed to land a job,” ani Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Dahil dito, pinagtibay ang nasabing panukala para matulungan ang mga dating lulong sa droga na makapagsanay upang magamit sa paghahanap nila ng trabaho o pagnenegosyo.

Inaatasan din ng nasabing panukala ang TESDA na makipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagdidisenyo at pag-iimplementa sa TVET na nararapat sa mga dating adik na nagbago pagkatapos sumailalim sa rehabilitasyon.

Kabilang sa nilalaman ng pinagtibay na panukala ang pagbibigay ng insentibo sa mga pribadong kumpanya na mag-eempleyo ng mga dating drug addict na sumailalim sa TVET and livelihood training programs ng TESDA. (BERNARD TAGUINOD)

153

Related posts

Leave a Comment