PALPAK NA SISTEMA SA PITX AAYUSIN NG DOTr

tugadepitx12

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY JACOB REYES)

AMINADO si Department of  Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade na palpak ang  Paranaque Integated Terminal Exchange ( PITX) dahil sa hindi maayos na ruta ng mga bus operator at bus driver na bumibiyahe mula Cavite hanggang  Parañaque.

Ginawa ni  Tugade ang pahayag sa inilunsad ng  The Presser Weekend Media forum ng Presidential Communication Operations Office (PCOO)  sa Muntinlupa City kung saan layunin uamno ng pagpatayo ng PITX ay upang mabawasan ang trapik sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at mapagaan ang biyahe ng mga pasahero mula sa Southern part ng Luzon.

Isa sa mga nasisilip ni Tugade ang pahirap sa mga pasahero dulot ng palpak na serbisyo ng mga bus operator sa halip na mapagaan ang kanilang biyahe at gastusin sa pamasahe.

Ayon pa kay Tugade pag aaralan pa umano ng DOTr ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero na nangga-galing ng  Dasmarinas sa Cavite na bumababa sa PITX bago naman sasakay patungong Lawton sa Maynila dahil nadagdagan umano ang kanilang gastos sa pamasahe simula nang buksan ang terminal.

Bukod pa sa nagpapahirap sa mga pasahero ay ang mga bus driver na nagbababa ng pasahero sa PITX patungong Lawton na hindi dumaraan ng terminal at nagsasakay na sa Lawton bago didiretso sa Cavite kung kaya’t naiipon ang mga pasahero dahilan upang mahirapan silang makauwi ng maaga sa kanilang mga tirahan.

Magugunitang  inulan ng reklamo ang pahirap sa mga pasahero na umuuwi sa lalawigan  ng Cavite simula nang buksan ang  PITX dahil nalito ang mga pasahero kung saan sila sasakay at bababa dahil sa kakulangan na rin ng mga sasakyan dulot ng tuloy tuloy na operasyon ng Land Transportion Office at Metropolitan Manila Development Authority (LTO,MMDA), laban sa mga kolurom at illegal terminal sa Baclaran.

Umapela rin si Tugade sa media na tulungan silang maiparating sa publiko ang magagandang nagawang proyekto ng DOTr para sa comfortable life ng mamayang Filipino tulad ng hiniling sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

 

156

Related posts

Leave a Comment