NAGTIPON ang Bureau of Customs (BOC) at ang US Embassy-Manila Special Operations Command Pacific INDOPACOM Augmentation and Philippines Information Team noong Mayo 18, 2023, para sa isang consultative meeting.
Layunin ng miting na galugarin ang ‘potential areas of cooperation, intensify border control, and strengthen the relationship’ sa pagitan ng dalawang ahensiya.
Sa nasabing pag-uusap, ang mga opisyal mula sa dalawang ahensiya ay tinalakay ang iba’t ibang paksa, kasama ang kooperasyon ng mga oportunidad sa law enforcement, maritime operations, investigations, capacity building, and advanced technology implementation. Karagdagan nito, tinalakay sa pulong ang probisyon ng technical expertise and skills building na ninanais ng US Embassy para palawakin ang BOC Enforcement and Security Service (BOC-ESS).
Kabilang sa mga kinatawan mula sa BOC ay sina Commissioner Bienvenido Rubio, Deputy Commissioner Teddy Raval, division chiefs, heads ng ESS, Financial Management Office, External Affairs Office, at ang Interim Training Development Division. Mula naman sa US Embassy ay sina Jason Perez, officer-in-charge, at Patrick Braun, Chief of the Information Support Team, ang dumalo sa miting. Ang nasabing consultative meeting ay kumakatawan sa isang makabuluhang hakbang pasulong para sa pagtatag ng malakas na ugnayan sa pagitan ng Bureau of Customs at Embassy ng United States of America. Ang parehong partido ay nangako para sa pakinabang ng kanilang kolektibong kadalubhasaan at mapagkukunan para tiyakin ang mas pinakamatibay na customs operations and safeguard national security.
“The establishment of a strong collaboration between the BOC and the US Embassy will undoubtedly enhance the capabilities and technical know-how of BOC personnel. This will create opportunities to intensify border protection and combat smuggling further,” ani Commissioner Rubio.
Kaugnay nito, ang Bureau of Customs ay may pare-parehong hinahabol na mga hakbangin para sa pagpapalakas ng kanilang relasyon sa partner agencies at paglatag para sa pinahusay na pagtugon ng customs.
Sa pakikipagtulungan sa US Embassy, inaasahang makakamit ang layunin ng BOC na kahusayan sa pag-secure at pagpoprotekta ng awtoridad ng customs sa buong hangganan ng bansa. (BOY ANACTA)
129