(JOEL O. AMONGO)
NAGPAHAYAG ng pagsuporta si Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles sa nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na magkaroon ng water-impounding facilities malapit sa Metro Manila.
Ayon kay Nograles, suportado niya si Pangulong Marcos sa naturang programa para maiwasan ang pagbaha sa panahon ng tag-ulan at masiguro ang suplay ng tubig sa Luzon sa panahon ng El Niño.
Gayunman, mas mainam pa rin aniya kung maging pangunahin ang pagpapanatili sa mga kabundukan sa bansa.
“Maganda namang idea ang mga water-impounding facilities. These could boost our flood mitigation efforts and provide additional water for irrigation and other needs, especially amid El Niño.
However, our greater objective should still be aggressive reforestation to restore our forest cover, which would not only increase the carrying capacity of our watersheds but also solve a host of other issues connected with climate change,” ani Nograles.
Sa isang briefing, iniutos ni Marcos sa Water Resources Management Office (WRMO) at iba pang ahensya ng gobyerno ang pagtutok sa government’s comprehensive water management plan.
Kabilang sa flood control projects ni Marcos ang P5.86-billion rainwater collection system program sa ilalim ng Republic Act No. 6716 at ang installation ng 6,002 rainwater collection systems nationwide.
Si Nograles ay isang matibay na tagapagtaguyod ng National Greening Program, na naniniwalang ang reforestation ay pangunahing sukatan laban sa El Niño at long-term climate change.
“Our forests shield us from natural disasters, particularly from the stronger typhoons that have resulted from climate change. They also counter drought and make our air cleaner,” ayon pa sa mambabatas.
“Given how crucial forests are, our government should prioritize the restoration of our forest cover. At tiwala naman tayo na top of mind din ito ng Pangulo,” ayon pa sa mambabatas.
Matagal nang kasama sa programa ni Rep. Nograles ang tree planting (Future Nature) sa tulong ng mga estudyante at mga residente ng Montalban at kalapit na mga lugar.
Layunin nitong maiwasan ang mga pagbaha sa ilog (Marikina River) na dinadaluyan ng tubig mula sa Wawa Dam sa Montalban.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)