THE SCALES COFFEE: HILIG SA KAPE GINAWANG NEGOSYO

BIZZNESS CORNER

BAKIT may mga taong ‘di yata mabubuhay kung walang kape. Sabi nga ‘coffee is life’.

Itong scales coffee ay itinatag nito lang taong 2021.

Bakit kape? Kasi mahilig sa kape ang may-ari ng The Scales coffee. Kagaya ng karamihan sa atin, parang ‘di kumpleto ang araw kung hindi magkakape.

Tiningnan din nila ang coffee market sa merkado at na-realize nila na walang masyadong representation ang Pilipinas.

Ayon sa kanila, masarap naman ang kape natin lalo na ‘yung bagong laga, maaamoy mo sa umaga.

Ano ba ang pagkakaiba ng The Scales coffee sa ibang kape? Karamihan sa mga kape na makikita mo sa malls ay may tinatawag na Arabica beans, Robusta beans para sa mga instant coffee. Samantala, ang The Scales coffee, excelsa naman ang uri ng beans sa kape nila. Ang pagkakaiba ay dahil sa mga puno na pinagkukunan ng Excelsa beans, na nasa gubat at napapaligiran ng fruit bearing trees. Dahil dito ay na-absorb ng puno ng kape ‘yung juices o dagta ng fruit bearing trees at nai-incorporate sa mga tumubong beans na specific dito sa Excelsa beans, bukod sa chocolate aroma, mapapansin ang hint ng jackfruit scent which makes it a little more unique and nadagdag na flavor sa kape.

Isang taon at kalahati simula nang mailabas na sa e-commerce platform ang The Scales coffee. Ang Excelsa beans naman ay matagal nang kilala na kape sa merkado around 1903 pa.

“Hangarin din namin na makatulong sa mga magsasaka at makipag-ugnayan din sa kanila upang makilala ang sariling atin. Sa mga gustong pasukin ang ganitong negosyo, kailangang handa ka at buo ang loob mo at handa ka sa mae-encounter mong problema. Kailangang handa at bigyan mo ng solusyon ang posibleng suliranin. Dapat ay may pagmamahal at malasakit sa negosyo mo, a lot of times kukuwestyunin mo ang sarili mo, ‘wag kampante. Bantayan mo lagi ang flow ng business,” payo ng may-ari ng The Scales coffee.

“Ang The Scales coffee ay hindi lang para kumita. Meron kaming ‘Cup to farm project’, nasa social media namin ang details. Sa madaling salita, porsiyento ng kita ay ibabalik namin sa farmers sa pamamagitan ng pagbili ng mga gamit, equipment na makatutulong sa kanila sa pag-harvest ng Excelsa beans. We learn new things as we experience unique situations kung basic knowledge in setting up a business, new ideas, continues learning kumbaga, huwag natin bigyan ng deadline pag-aaral ng negosyo. Nag-iiba ang panahon, mas nagiging advance ang merkado at teknolohiya,” aniya pa.

159

Related posts

Leave a Comment