$1.14-B INUTANG NG PINAS SA WB

TININTAHAN ng Pilipinas ang $1.14-bilyong halaga ng loan agreements kasama ang World Bank.

Nakatakda nitong tustusan ang government initiatives ukol sa economic recovery at pag-develop ng agriculture at fisheries sector.

Ayon sa Department of Finance (DoF), apat na loan agreements ang nilagdaan nina Finance Secretary Benjamin Diokno at World Bank country director for the Philippines Ndiame Diop sa tanggapan ng departamento sa Maynila.

Sinasabing ang pinakamalaking agreement ay $750 million para sa Philippines First Sustainable Recovery Development Policy Loan (DPL) na susuportahan ang policy reforms ng bansa kung saan target ang environmental protection at climate resilience.

Kabilang din ang $276 million para sa dalawang proyekto ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) — ang Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIADP), at ang Philippine Fisheries and Coastal Resiliency Project (FishCoRe).

Base sa framework nito, layon ng MIADP na palakasin ang economic situation ng piling indigenous communities, at paghusayin ang pamamaraan at kapasidad ng local government units na ipagpatuloy ang programa na tutugon sa mababang kita dahil sa mahinang marketing linkages at mahinang imprastraktura.

Sa kabilang dako, kasama naman sa mga benepisyaryo ang indigenous peoples organizations (IPOs) at indigenous cultural communities at/o indigenous peoples sa eligible ancestral domains na kinikilala ng National Commission on Indigenous Peoples.

Samantala, ang FishCoRe ay naglalayon naman na palakasin ang ecosystem at community resilience sa ilang piling fisheries management areas (FMAs) at ang halaga ng fisheries production sa coastal communities, at paghusayin ang pamamahala sa mga resources. (CHRISTIAN DALE)

238

Related posts

Leave a Comment