NCRPO TULOY-TULOY SA PAGKALOS SA ‘BAD EGGS’

NABAWASAN ng pitong tauhan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang kaso.

Ayon kay PNP NCRPO chief PBGeneral Jose Melencio Nartatez Jr., sinampahan na ng kaso ang limang pulis Maynila kaugnay sa kasong robbery extortion.

Matatandaang sinalakay umano ng limang pulis ang isang computer shop sa Sampaloc na kalaunan ay kanilang ninakawan at tinakot ang may-ari para hingan ng lingguhang payola o lagay.

Kahapon ay sumuko na ang mga inireklamong pulis na kinilalang sina Staff Sergeant Jan Erwin Isaac, Staff Sergeant Ryann Paculan, Corporal Jonmark Dabucol, Patrolman Jhon Lester Pagar, at Patrolman Jeremiah Pascual.

Bukod sa mga ito, isa pang pulis NCR ang nasangkot din umano sa gulo sa Las Piñas habang ang isa pa na naka-leave ay may reklamong robbery sa Dagupan.

“Nabawasan po ng pito, but we will not stop cleansing our ranks kasi po yan ang nagpapa pangit ng imahe ng philippine national police. And of course we are trying to, yung magandang serbisyo sa ating community,” sabi ni Nartatez.

“I’m wondering why these 7 bad eggs ay gagawa pa ng ganung mga shenanigans. The patrolman’s gross pay today is how much, close to P38,000 gross,” ayon pa sa opisyal.

Pinahinto na umano ni Nartatez ang sweldo at benepisyo ng mga nirereklamong pulis at pinasasampahan sila ng kaso.

“Make sure to get the report and cut pay and allowances na ngayon. Nagbigay na ako ng instruction perhaps nagawa na ngayon. R1 and R7, ensure that administrative charges, kailangan papunta na sa atin,” ayon pa sa heneral.

(JESSE KABEL RUIZ)

178

Related posts

Leave a Comment