TAGUMPAY SA OPERASYON, IBINIDA NG BOC

IPINAGMALAKI ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang nakamit na makabuluhang milestones sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, na nagpapakita ng kanilang pangakong matupad ang 5-Point Priority Program for the calendar year 2023, na naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ito ay ang mariing pag-focus sa digitalization, revenue collection, trade facilitation, smuggling prevention, and employee welfare.

Ang BOC ay gumawa ng kapansin-pansing mga hakbang sa pagsusulong ng kanilang mandato para sa pagpapahusay ng kanilang mga operasyon sa unang kalahati ng taon.

Binigyang prayoridad ng BOC ang modernisasyon ng kanilang mga sistema at pag­hahanay ng mga proseso sa customs na nagresulta sa kaaya-ayang 96.39% rate ng digitalization para sa 160 ng 166 customs procedures sa ilalim ng 2021 Citizen’s Charter.

Patuloy rin ang kanilang ICT projects, tulad ng E-Service Catalog System, Document Management System, Over Staying Cargo Tracking System, Automated Export Declaration System (AEDS), at Customs Auction Monitoring System, na pagbubutihin pa ang kahusayan at transparency.

Kabilang sa ipinagmalaki ng BOC ay ang pagkalagpas nila sa kanilang target mula Enero hanggang Hunyo 2023. Ang BOC ay nakalagpas sa kanilang revenue collection target na 420.664 billion, at nakapagtala ng kabuuang collection na P433.433 billion, lagpas sa target ng 3.04% o P12.768 billion.
Ang nasabing tagumpay ay iniuugnay sa pinagbuting sistema na pagdetermina ng customs value na naging daan sa ‘higher rate of assessment’.

Kaugnay nito, ang BOC ay nakabuo ng karagdagang P1.257 billion sa kita mula sa kinalabasan ng audit at Prior Disclosure Program applications sa parehong panahon.

Karagdagan nito, ang BOC ay nakapagkolekta ng karag­dagang P29.718 million mula Public Auctions na isinagawa ng Ports of Manila, Davao, at Manila International Container Port.

Sinisikap din ng BOC ang pinadaling pamamaraan at pinahusay na kalakalan na nagdulot ng makabuluhang resulta.

Ang Pilipinas ay umakyat sa 17 places sa World Bank Logistics Performance Index (LPI) sa ranking 43rd sa 139 na mga bansa.

Ito ang patunay na ang BOC ay naging matagumpay sa kanilang implementasyon ng electronic Phytosanitary (e-Phyto) Certificate exchange kasama ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) member countries.

Ang BOC’s anti-smuggling operations ay nagresulta ng 603 pagkakasabat na may halagang P23.851 billion mula Enero hanggang Hunyo 2023.

Ang top commodities na nasabat ay mga pekeng produktong, agricultural pro­ducts, tobacco products, illegal drugs, at general merchandise.

Karamihan sa mga nasabat ay P86 million worth ng misdeclared sugar mula Hong Kong sa Subic Port noong Marso 15, 2023; P1.4 billion halaga ng imported cigarettes sa Sulu warehouse noong Marso 2, 2023; at P3.8 million halaga ng shabu sa NAIA DHL Express Warehouse noong Mayo 8, 2023. Ang Fuel Marking Program ay nakapagtala ng 9.42 billion liters ng fuel, na may katumbas na P114.53 billion sa duties and taxes, dahil sa matagumpay na paglaban sa illicit fuel trade. Ang BOC ay nakagawa ng aksyon laban sa mga paglabag sa batas ng customs kabilang ang pag-revoke sa accreditation ng 33 customs brokers at 85 importers.

Karagdagang 74 criminal complaints ang naisampa sa Department of Justice (DOJ), at dalawang administrative complaints sa Professional Regulation Commission dahil sa paglabag sa customs laws.

(JO CALIM)

292

Related posts

Leave a Comment