DEPED, PINUNA SA HINDI PAGBIBIGAY HALAGA SA EARLY CHILDHOOD CARE DEVELOPMENT

PINUNA nina Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian at Senador Risa Hontiveros amg Department of Education sa hindi pagbibigay halaga sa Early Childhood Care Development sa kanilang binabalangkas na reporma para sa basic education.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Gatchalian na nagtataka siyang hindi kasama sa Matatag Program at maging sa sinundan nitong Basic Education Reform ng DepEd ang Early Childhood Care Development.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng DepEd na mahalaga ang day care education dahil ito ang pundasyon ng pag-aaral.

Binigyang-diin ni Gatchalian na taliwas ang pahayag na ito sa pangyayari dahil sa ngayon ang nakikita nya ay hindi talaga pinahahalagahan ang Early Childhood Care Development.

Sinabi ng senador na lubha itong nakakabahala dahil ang Education Secretary pa ang pinuno ng Early Childhood Care Development Council.

Sa panig naman ni Hontiveros, binigyang-diin na kailangang pag-aralan ang pagresolba sa gap na ito lalo na ang koordinasyon sa mga ahensyang nagpapatupad ng mga programa.

Iginiit ng senador na kung hindi pahahalagahan ang early childhood care development ay mahihirapan ding isaayos ang programa para sa basic education. (Dang Samson-Garcia)

262

Related posts

Leave a Comment