UMUSAD na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na gawing legal ang paggamit ng medical marijuana na bukod sa makatutulong umano sa mga may sakit ay makapag-aakyat ng limpak-limpak na salapi sa gobyerno at karagdagang trabaho.
Sa pagdinig ng House committee on dangerous drugs na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, bumuo na ang mga ito ng technical working group (TWG) para pag-isahin ang walong panukalang batas na kinabibilangan ng mga panukala nina Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo, Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at Isabela Rep. Antonio Albano.
“The measure is expected to benefit not only ailing Filipinos in need of the revolutionary treatment offered by the drug but also the national government in terms of export revenues that can be tapped from its potential $75-billion market, as medical cannabis is now legal and used for health, scientific and research reasons in 60 countries across the globe,” ani Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte.
Kasama sa mga sakit na magagamot umano ng medical marijuana ang cancer, epileptic seizures, pain management sa sclerosis at arthritis, HIV-AIDS symptoms, anxiety management, alzheimers, muscles spasms and tremors at iba pa.
Dahil dito, kailangang maipasa aniya ang nasabing panukala upang hindi na kailangang gumastos ang pamilya ng mga cancer patient ng 36,000 hanggang P180,000 para sa anim na chemotheraphy na kailangan.
“I truly believe that cannabis is a healing compound, healing plant. More than that, it can be a cash crop. In China alone, they’re supplying more than half of the world’s hemp. While it is illegal in China to plant—to consume marijuana for medicinal and others—it supplies half of the world’s hemp, and when you say hemp, that is CBD, wala pong psychoactive property ‘yan,” ayon pa sa mambabatas.
Nais ng kongresista na ang gobyerno mismo ang magtanim ng marijuana kaya kailangang itatag ang Philippine Cannabis Development Authority (PhilCADA) na siyang mangangasiwa sa pagtatanim tulad ng ginawa ng Thailand.
(BERNARD TAGUINOD)
200