COVID VACCINE TINATRABAHO NA NG CALOOCAN

NAKIPAGPULONG si Mayor Oscar Malapitan sa mga kinatawan ng US company na Janssen Johnson & Johnson (J&J) hinggil sa posibleng pagbili ng pamahalaang lungsod ng bakuna laban sa COVID-19.

Tinalakay sa pulong ang tamang proseso sa posibleng pagbili ng bakunang na nakitaan ng magandang outcome sa isang dosage pa lamang sa isinagawang pre-clinical study.

“Tayo ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga pharmaceutical company upang matiyak na tayo ay makakabili ng bakuna para sa mamamayan. Sinisiguro rin natin na tayo ay dadaan sa tamang proseso na aprubado ng pamahalaang nasyunal,” pahayag ni Malapitan.

Kasama rin sa pulong sina Secretary to the Mayor Betsy Luakian-Kaw, City Administrator Oliver Hernandez, Chief of Staff Jeremy Regino, at City Health Officer Dra. Evelyn Cuevas.

Ang mga kinatawan naman ng Jannsen Johnson & Johnson ay sina Medical Affairs Head Dr. Edwin Benedicto, Head of Regulatory Affairs Joanna Chua at Government Affairs Manager Maria Johanna Santiago. (ALAIN AJERO)

94

Related posts

Leave a Comment