PATULOY ang AC Infra, ang public infrastructure arm ng Ayala Group, sa pagtulong ng mga komunidad upang malagpasan ang hamon na dulot ng Covid pandemic sa pamamagitan ng #BrigadangAyala.
Kasama ng AC Infra ang Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX) at Entrego sa pamamahagi ng food, healthcare, at education, para sa partner communities nito.
Pagbibigay ng Pag-asa
Mula 2017, tumutulong na ang Ayala companies sa mga residente ng Brgy. Poblacion sa Muntinlupa.
Sa katunayan, isa si Melanie Balansag sa mga natulungan ng AC Infra. Si Melanie ay kabilang sa mga informal settler na nakatira sa kahabaan ng MCX. Ang kaniyang asawa naman ay isang prison inmate o People Deprived of Liberty (PDL). Kasama ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS), namahagi ang MCX ng scholarship at iba pang education-related initiatives sa Brgy. Poblacion at sa New Bilibid Prison Community.
Ang anak ni Melanie ay isa sa mga nabigyan ng scholarship ng nasabing kumpanya.
Mahigit P1.2M scholarships at education-related initiatives na ang naipamahagi ng MCX mula 2017 sa Brgy. Poblacion at sa New Bilibid Prison community.
Pakikipagtulungan kasama ang Youth Leaders
Pinahahalagahan din ng MCX ang partnership nito sa Brgy. Poblacion Southville 3 Youth Council (SV3YC). Namahagi ito ng mga gatas at kids vitamins sa mahigit 200 na magulang. Namahagi rin sila ng 400 food packages sa Tricycle and Drivers Association members.
July 7, nagsagawa naman ng community pantry ang mga empleyado ng AC Infra, MCX, and Entrego kasama ang lokal na pamunuan ng Brgy. Poblacion.
“Bilang mga Youth Leader mas nagkakaroon po kami ng pag-asa dahil ang mga organisasyong gaya ng MCX ay patuloy na nagtitiwala at kasama namin humahakbang para sa pagbangon mula sa pandemya,” pahayag ni Kenneth Mugar, Southville 3 Youth Council President.
Nag-allocate rin ang MCX ng mahigit P1.9 million mula 2017 para masuportahan ang mga komunidad na nakapaligid dito.
“At MCX, we don’t only work for efficient toll operations, we also strive to improve the lives of the communities surrounding our toll road, that includes Brgy. Poblacion and the Bureau of Corrections. I am personally very happy to see the next generation of leaders enthusiastically working with us to accomplish the same goal – to improve the lives of our partner communities. We are very thankful for the support that the LGUs (Barangay Poblacion and Muntinlupa City) have been giving us since MCX started operations,” ani Joseph Canlas, MCX Senior Operations Manager.
Community Pantry sa Riders
Samantala, inilunsad naman ng Entrego, ang logistic arm ng AC Infra, ang Kalingang Ka-Entrego. Isa itong community pantry-inspired initiative kung saan makakakuha ng libreng food supply ang mga rider na mapapadaan dito.
Isa si Wilson Balingbing, single parent at pioneering rider ng Entrego, sa mga natulungan.
Gayundin si Norman Caspillo, na ginamit ang kaniyang mga kinita bilang delivery partner para makapagtapos sa private school ang kaniyang anak. Nakapagtayo rin siya ng bahay para sa kaniyang pamilya dahil sa Entrego.
Magdedeploy naman ang Kalingang Ka-Entrego ng food items sa July 8. Ito ay ipamamahagi sa 5 hubs sa NCR at Rizal at tinatayang mahigit 500 riders and warehouse workers ang matutulungan nito. Bukod sa pamamahagi ng food provisions, magdo-donate rin ng mga pre-loved gadgets para sa mga anak ng Entrego riders upang makatulong sa kanilang online classes. (TJ DELOS REYES)
