SORPRESANG nangunguna si Adamson High School’s do-it-all swingman John Figueroa sa MVP race matapos ang first round ng UAAP UAAP Season 82 High School Boys’ basketball tournament.
Ang 6’2” at Grade 11 na si Figueroa ay nakaipon ng 68.86 statistical points (SPs) buhat sa 12.14 points, 14.29 rebounds, 1.86 assists, 1.43 steals at 1.43 blocks kada laro.
Inakay din ni Figueroa, tubong Pampanga, ang Baby Falcons sa 4-3 record, katabla ang Ateneo High School sa ikatlong pwesto.
Nasa likuran niya si National University-Nazareth School big man Kevin Quiambao na may 67.29 SPs.
Si Quiambao, may taas na 6’4” at nasa kanyang huling taon sa high school ay nag-average ng 12.71 points, 10.71 rebounds, 1.71 blocks at 1.43 assists kada laro para sa Bullpups na wala pang talo sa pitong laro nito.
Pumapangatlo naman si Far Eastern University guard Penny Estacio na may 67 SPS. Ang FEU Baby Tams ay may 6-1 record.
Habang nasa pang-apat at panlima sina UP’s Sean Torculas at Lebron Lopez ng Ateneo na kapwa may 66.29 SPs.
Ang Junior Fighting Maroons ay 0-7 habang 4-3 ang Blue Eaglets.
Kabilang sa top 10 sina Ateneo’s Forthsky Padrigao (66.14 SPs); Josh Lazaro (65.85); UE’s Cyrus Austria (64.71); NU’s Carl Tamayo (62.29) at UP’s Ray Torres (59.71).
Samantala, naitala ng Adamson at UST ang unang panalo sa inaugural Girls basket-ball completion nitong Sabado sa Paco Arena.
Tinalo ng Junior Tigresses ang paboritong De La Salle-Zobel, 63-45. Habang tinamba-kan ng Lady Baby Falcons ang Lady Eaglets, 121-44.
Maghaharap ang UST at Adamson sa Sabado (Enero 18) sa alas-9:00 ng umagang laro, habang ang La Salle at Ateneo ay magsasagupa sa alas-11:00. (VT ROMANO)
