NAGSAGAWA ng balasahan sa ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw ng Lunes.
Pirmado ni Police Major General Constancio Chinayog Jr., Director ng Personnel Records and Management, ang nasabing kautusan na epektibo ngayong Marso 9.
Itinalaga bilang Regional Director ng Police Regional Office 4A si PBGen Hansel Marantan na dating hepe ng Highway Patrol Group.
Samantala, si PBGen Kenneth Lucas na dating Regional Director ng Police Regional Office 4A ay itinalaga bilang bagong director ng Special Action Force.
Pumalit naman kay Marantan bilang hepe ng Highway Patrol Group si PBGen Jessie Tamayao na dating Executive Officer ng Directorate for Police Community Relations.
(TOTO NABAJA)
126 