BUKAS ang pintuan ng Pilipinas sa Afghan refugees matapos ang pagbagsak ng Kabul.
Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang posisyon na ito ng pamahalaan makaraan tumakas ang libo-libong Afghans matapos makuha ng Taliban fighters ang kontrol ng capital.
“Since time immemorial po, the Philippines has had jurisprudence even before the Convention on Refugees Welcoming Asylum Seekers,” ayon kay Sec. Roque.
“Welcome po ang mga asylum seekers sa Pilipinas. Nung panahon po na natanggal ang czar of Russia, tinanggap po natin sila. Nung panahon po ng Pangalawang Pandaigdigang Digmaan, tinanggap po natin mga Hudyo sa ating bayan. Lahat po ng kinakailangan ng kalinga dahil sila po ay pini-persecute sa kanilang bayan, mayroon po kayong lugar dito sa Pilipinas,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Inulit naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kahandaan ng bansa na tumanggap ng refugees. Nabanggit ito ng pangulo sa kanyang first-ever speech sa United Nations (UN) General Assembly noong Setyembre 2020. (CHRISTIAN DALE)
184 