AFP @ 90: MATATAG NA SANDIGAN NG BAGONG PILIPINAS

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na personal na mapasalamatan ang kanilang Commander-in-Chief na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang magsilbi itong panauhing pandangal sa ika-90 anibersaryo ng AFP sa Camp Emilio Aguinaldo, Quezon City.

Sa programa, pinasalamatan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang Pangulo sa patuloy na paggabay at pamumuno nito sa sandatahang lakas.

“Sir, thank you, sir, for your continued guidance and leadership,” ani Brawner.

Sinamantala rin ng heneral ang okasyon upang ipahayag ang pasasalamat sa pag-apruba ng Pangulo sa pagtaas ng base pay ng military at uniformed personnel.

“Let me also take this opportunity to thank our Commander-in-Chief for increasing the base pay of the MUP, including the military personnel,” dagdag ni Brawner.

Nagpasalamat din ang AFP Chief sa sambayanang Pilipino sa patuloy na tiwala at kumpiyansa sa kasundaluhan.

“I would like also to express my profound gratitude to the Filipino people for your unwavering trust in the Armed Forces of the Philippines,” wika niya.

Binigyang-diin pa ni Brawner ang katapatan, disiplina at propesyonalismo ng mga sundalo na nananatiling tapat sa kanilang sinumpaang mandato sa kabila ng mga hamon at “ingay” sa pulitika.

“Hangga’t may alon sa ating dagat at bituin sa ating watawat, mananatili kaming isang matatag na sandatahang lakas na kasangga ninyo tungo sa Bagong Pilipinas,” ani Brawner.

Sa kanyang talumpati, kinilala naman ni Pangulong Marcos ang kabayanihan ng mga sundalo, lalo na ang mga nasa frontlines.

“Today, we also recognize heroism in action,” pahayag ng Pangulo.

“To the men and women receiving awards for bravery, innovation, and distinguished service, you have set once again the gold standard. You remind us that excellence is habitual and defines the character of our nation,” dagdag pa niya.

(JESSE RUIZ)

86

Related posts

Leave a Comment