AFP DUMISTANSYA SA ALITAN NG PAMILYA MARCOS

“WALA kaming pakialam sa alitang pampamilya. We do not engage in political disputes or allegations.” Ito ang tugon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng alegasyon ni Senador Imee Marcos na gumagamit ng droga ang First Family sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Navy Spokesman on West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na, “These matters should be resolved through appropriate legal and institutional mechanisms and not public confrontation.”

Aniya, mananatiling propesyonal, disiplinado, at non-partisan ang AFP, na may tungkuling igalang ang Saligang Batas, sumunod sa constitutional processes, at pangalagaan ang kapayapaan at seguridad ng bansa.

“Wag nating kalimutan, may kapitbahay tayo na nais mag-away ang mga Pilipino at magwatak-watak ang bansa. When you have one AFP, you have one Philippines. When you have a strong AFP, you have a strong Philippines,” dagdag pa ni Trinidad.

Tinukoy niya ang sinasabing kapitbahay bilang “isang malaking bansa na pinamumunuan ng Chinese Communist Party na gagawin ang lahat para maghasik ng alitan sa lipunang Pilipino.

“Nakikita natin ang disinformation, misinformation, at malinformation laban sa gobyerno. May mga local chief executives na may kaduda-dudang background. May infiltrasyon sa lipunan. Parte ng kanilang taktika ay ang paghatiin tayo at sirain mula sa loob.”

Magugunitang inakusahan ni Senadora Imee Marcos ang kapatid na si Pangulong Marcos Jr., at dinamay pa si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa umano’y paggamit ng ilegal na droga, bagay na tahasang itinanggi ng MalacaΓ±ang.

Hinamon ni Imee ang First Family na sumailalim sa hair follicle drug test upang patunayan ang kanyang alegasyon. Ginawa niya ang pahayag matapos itanggi ni House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang paratang, at sinabi na ang ginawa ni Imee ay “not a conduct of a true sibling.”

(JESSE RUIZ)

83

Related posts

Leave a Comment