AFP sa pamamahagi ng COVID-19 vaccine IKAKALAT NA PARANG ELECTION PARAPHERNALIA

TULAD sa panahon ng eleksyon ay ginagarantiyahan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isasakatuparan ang

direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na pangasiwaan ang pamamahagi ng COVID-19 vaccine sa sandaling maging available na ito sa darating na Disyembre.

Ayon kay AFP spokesperson Marine M/Gen. Edgard Arevalo (PN), titiyakin nila na maipamahagi ito at makarating sa malalayo at liblib na bahagi ng Pilipinas.

Nabatid na gaya sa panahon ng eleksyon, pangunahing  mandato ng AFP na tumulong sa pamamahagi ng mga election paraphernalia at pagtiyak ng seguridad nito.

Dahil sa kanilang karanasan at mga natutunang sistema ay magagamit nila ito sa distribusyon ng anti-coronavirus vaccine.

Nilinaw naman ni Arevalo, hindi sila solong mamamahagi ng bakuna kundi katulong nila ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH).

Sinabi ni Arevalo na may mga sundalong naka-assign sa mga liblib na lugar sa bansa kaya tiyak na maipamamahagi ang bakuna sa malalayo at mahihirap na mamamayan. (JESSE KABEL)

153

Related posts

Leave a Comment