AGNAS NA SANGGOL, NATAGPUAN SA ILOG

CAVITE – Isang lalaking sanggol na inaagnas na ang natagpuan sa isang ilog sa Gen. Trias City noong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa nakakita, nangunguha siya ng sili sa kanyang taniman sa tabi ng ilog sa KPNP sa Brgy. Santiago, Gen. Trias, Cavite bandang alas-10:30 ng umaga nang makalanghap siya ng masangsang na amoy.

Tinunton niya ang pinanggagalingan ng amoy at bumulaga sa kanya ang isang naaagnas nang bangkay ng isang lalaking sanggol na walang damit at nakalutang sa ilog.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matunton kung sino ang posibleng nagtapon sa sanggol.

(SIGFRED ADSUARA)

35

Related posts

Leave a Comment