AGRESIBONG KOLEKSYON VS. BUDGET DEFICIT – DOF

KUMBINSIDO ang Department of Finance (DOF) na mas maliit kumpara sa inaasahang budget deficit ang maitatala sa pagtatapos ng taon – sa tulong ng dalawang kawanihan ng pamahalaan – ang Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

“The government has ramped up efforts to maintain fiscal discipline through its revenue agencies, which have surpassed their programmed collections for 2022,” pahayag ng Finance Secretary Benjamin Diokno, kasabay ng pagkilala sa BOC kaugnay ng record-breaking revenue collection sa nakalipas na apat na buwan.

Para kay Diokno, malaking ambag ang sigasig ng BOC sa ilalim ng pamumuno ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz matapos nitong maabot ang 2022 collection target dalawang buwan bago matapos ang taon.

“This year’s revenue collection performance historically marks the highest revenue collection of the agency to date,” ani Ruiz.

Bagama’t malayo pa sa itinakdang revenue collection target, inaasahan naman ni Diok­no na makapagsasampa rin ng sapat na pananalapi ang BIR na base sa mga datos ng DOF ay nasa 70% pa lang ang nalikom.

Kayod-kabayo naman ang mga opisyal at kawani ng BIR na makalikom ng P706 billion sa nalalabing panahon ng 2022 para maabot ang P2.438 target nito para sa kasalukuyang taon.
(ANGEL F. JOSE)

315

Related posts

Leave a Comment