AGRICULTURAL MODERNIZATION NAKASALALAY SA NIA

NAKASALALAY sa National Irrigation Administration (NIA) ang agricultural modernization sa bansa na panlaban umano sa makulimlim na ekonomiya ng mundo.

Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, kailangang maisaayos ang pamamalakad sa NIA upang mapalawak ang coverage nito at magkaroon ng tuloy-tuloy na supply ng tubig sa mga irigasyon sa bansa.

“The main problems in the Philippine agriculture sector are that there is not enough good irrigation and water management in the country, and that resources and government support are not devoted to the proper sectors,” ayon sa mambabatas.

Sa ngayon, tanging ang mga palayan ang sinusuplayan ng tubig ng NIA at hindi ang ibang high value crop tulad ng mais, saging at iba pa na umaasa lang sa tubig ulan.

Sa ngayon, ibinalik na sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) ang NIA mula sa ilang taong nasa pangangasiwa ito ng Office of the President kaya umaasa ang mambabatas na magiging maayos na ang nasabing ahensya lalo na’t target ng susunod na administrasyon na imoderna ang sektor ng agrikultura.  (BERNARD TAGUINOD)

229

Related posts

Leave a Comment