AKAP BENEFICIARIES, VLOGGERS IDINEPENSA PROGRAMA

IPINAGTANGGOL ng ilang benepisyaryo ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP, kabilang ang ilang kilalang vloggers, ang programa laban sa pagkontra ng ilan.

Ayon sa AKAP beneficiaries na lumabas sa ilang vlog, malaking naitulong sa kanilang pamilya ng ayuda.

Sa vlog ng sikat na social media personality na si Nico David, sinabi nito na gaya sa ibang bansa ang AKAP para sa mga below minimum wage earners.

“Dapat hindi ito kontrobersyal dahil tulong ito ng pamahalaan sa kapos ang income,” dagdag pa ni Nico David.

Para naman sa Facebook personality na si Silver Voice, “Kailangan ng mga kababayan ang AKAP”. “Pandagdag kita para sa kanilang munting kinikita…anong masama doon?,” aniya.

Para naman sa vlog ng models of manila, sinabi nito na hindi masama ang pagbigay ng AKAP sa mga tao.

“Pera po ng taumbayan yan kaya nararapat lamang na ibalik sa kanila tulad nitong AKAP,” ayon pa sa nasabing post. Matatandaang kinuwestiyon ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio ang AKAP dahil ito na raw ang “pork barrel” ng mga mambabatas ngayon.

Agad naman itong pinasinungalingan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian kasabay ang sabi na hindi naman hahawakan ng mga mambabatas ang AKAP dahil mga DSWD personnel ang namamahagi nito sa mga tao.

“They (lawmakers) can only recommend kung saan kailangan magbigay ng AKAP assistance at wala ring pakialam ang mga barangay officials dito,” dagdag pa ni Sec. Gatchalian.

Ayon sa talaan ng DSWD, umabot sa limang milyon ang nabiyayaan ng AKAP simula noong Enero hanggang nitong Disyembre 26, 2024. Target ng naturang ayuda ang mga below minimum wage earner at vendors.

102

Related posts

Leave a Comment