AKO BISAYA PARTY-LIST, PAMILYA LAGON NAMAYAGPAG SA ELEKSIYON

HINDI maitatago na tapos na talaga ang halalan.

May mga nanalo na sa mga probinsya at local ­government units o LGUs.

Marami nang naiprok­lama.

Kung hindi ako nagkakamali, binibilang na ng mga Board of Election ­Inspectors (BEIs) ang resulta ng halalan sa local hanggang sa national.

Sinasabing sa pampanguluhan, pangalawang pampanguluhan, mga sen­ador at partylists, marahil mga dalawang linggo pa ang palilipasin bago ang proklamasyon ng mga nanalo.

Ngunit malinaw pa sa sikat ng araw kung sinu-sino ang mga nanalo.

Milya-milya ang agwat nila.

Habang hinihintay natin ang opisyal na resulta sa halalan, kailangang tapusin na rin ang mga hidwaan na dulot ng prosesong panghalalan.

Noong kampanyahan kasi, nagkasakitan ang mga iba’t ibang kampo o partido ng mga kandidato.

Nariyan ang palitan ng mga maaanghang na salita na nagdulot ng samaan ng loob.

Parang hindi na naman bago ito sa ating pandinig.

Sa hanay ng party-list, aba’y pasok ang Ako Bisaya ni Cong Sonny Lagon.

Nakakuha kasi ito ng 508,481 votes.

Marami kasing natutulungan ang grupo hindi lang noong panahon bago ang eleksyon kundi hanggang ngayon.

Ramdam sila ng mga tao.

Nariyan ang kanilang ­libreng kabuhayan, medikal, at edukasyon.

Namamahagi rin sila ng tulong sa mga nanga­ngailangan ngayong pandemya tulad ng medical supplies sa mga ospital at marami pang iba.

Matagal nang public servant si Cong Sonny.

Kaya naman, ganoon din ang kanyang misis na si Maam Daphne Lagon.

Nagwagi rin si Madam Daphne sa 6th District ng Cebu.

Nakakuha kasi ito ng 82,443 votes kung saan pinakain niya ng alikabok ang kanyang mga kalaban na sina Martin Sitoy, 21,210; Junjie Sitoy, 5,493; at dalawang iba pa.

Nasa dugo nila ang pagiging lingkod-bayan.

Kaya naman, mahal sila ng mga tao dahil sa rami rin ng mga ­tinutulungan nila.

Kilala ang kanilang pamilya sa lalawigan ng Cebu.

Nanalo rin naman sa pagka-konsehal si Lorenz Lagon ng Lone District ng Tuburan, Cebu.

Nakasungkit si Lorenz ng 25,161 votes kaya’t nag-number 1 ito sa kanilang distrito.

Maliban dito, na­mayagpag din sa Lone District ng Cordova si Larenz Lar Lagon makaraang mag-numero uno ito nang makasukbit ng 23,873 votes.

Sina Lorenz at Larenz Lar ay kambal na anak ni Cong. Sonny kaya’t sa kanya rin nagmana ang mga ito pagdating sa serbisyo-publiko at sa ­pagiging matulungin sa kapwa.

Good bless and more power sa Ako Bisaya Party-list, at siyempre, kay Cong. Sonny Lagon at sa kanyang buong pamilya.

Mabuhay po kayo, mga bossing!

209

Related posts

Leave a Comment