ALIENS NO ENTRY SA PH ‘PAG WALANG BISA

visa

PINAALALAHANAN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang foreign nationals na gustong pumasok sa bansa na kailangan muna nila ng visa bago sila makapasok sa Pilipinas.

Ipinalabas ni Morente ang nasabing paalala dahil nananatili pa rin ang mahigpit na patakaran sa mga dayuhan sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic kasunod ng resolusyon mula sa Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), na ang papayagan lamang na makapasok sa bansa ay ang mayroong valid at current visa.

Idinagdag pa niya na ang mga turista o temporary visitors na papasok sa bansa para sa “business, humanitarian or other meritorious reasons should apply for 9(a) visas and entry exemption documents (EED) from any of the Philippine embassies or consulates abroad”.

“Until now we have been getting reports of aliens being turned back at our airports because they don’t have visas at all,” ayon pa kay Morente.

Sinabi pa niya na ang pagbubuklod ng hindi tamang mga dokumento ng mga dayuhan sa mga paliparan ay nananatili sa kabila nang paulit-ulit na paalala ng bureau at public advisories na kailangan nila ng visa, sa pamamagitan ng website, social media sites at sa press.

Muli rin nagpaalala si Morente sa airlines na responsabilidad nilang siguruhin na ang mga dayuhan na nagpapa-book ng kanilang flights sa Pilipinas ay dapat na may valid visa.

Ang  BI chief ay naglabas ng kanyang pahayag matapos na tatlong dayuhan kamakailan ang hinarang ng immigration officers sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) dahil hindi nakapagpresenta ng valid entry visa.

Dalawa sa mga pasahero ay Australian at German na dumating noong nakaraang Martes mula Singapore habang ang isa ay American, na dumating naman noong nakaraang Sabado mula Los Angeles, California, USA.

Sinasabi ng mga dayuhan sa isinagawang interview na hindi nila batid ang kautusan na kailangan nila ng visa bago silang pumasok sa bansa.

Iginiit naman ng dalawa na ang kanilang mga asawa ay mga Filipina na hindi sumama sa kanilang pagbiyahe, habang ang isa naman ay dadalawin ang Filipina fiancée sa bansa.

“Airlines are subjected to administrative fines if they board improperly documented foreign nationals. Hence, we wish to reiterate the importance of proper documentation to avoid such incidents,” ani Morente. (JOEL O. AMONGO)

158

Related posts

Leave a Comment