AMA TINUBO NG ANAK, PATAY

CAVITE- Patay ang isang haligi ng tahanan makaraang hatawin ng tubo sa ulo ng kanyang sariling anak habang sila ay mainitang nagtatalo sa kanilang bahay sa Imus City.

Nahaharap sa kasong parricide ang suspek na si alyas “Diego” dahil sa pagpatay sa sariling ama na si Alfredo Blanco y Binuya, residente ng Brgy. Carsadang Bago 2, Imus City, namatay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Imus dahil sa sugat sa ulo.

Isa pang suspek na kinilalang si alyas “Geofrielle” ang inaresto at nahaharap sa kasong obstruction of justice nang tinangka nitong harangin ang pag-aresto kay Diego.

Ayon sa isa pang anak ng biktima, bago nangyari ang insidente, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ng ama at kapatid sa kanilang bahay bandang alas-10:30 ng umaga noong Huwebes.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo, kumuha umano ng patalim ang suspek at sinaksak ang ama subalit nakailag ito.

Pagkaraan ay may nakita umanong tubo ang suspek na siyang inihataw nito sa ulo ng ama.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod ang biktima sa ospital ngunit nalagutan ito ng hininga.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek sa isinagawang follow-up operation.

Tinangka umanong harangin ni Geofrielle ang pag-aresto sa suspek kaya sinampahan ito ng kasong obstruction of justice.

(SIGFRED ADSURA)

51

Related posts

Leave a Comment