ANAK INIREKLAMO NG INA SA PAGNANAKAW, BUKING SA DROGA

CAVITE – Nabuking ang umano’y nakatagong droga sa beltbag ng isang binata makaraang ireklamo ng sariling ina dahil sa pagnanakaw ng kanyang pera sa Bacoor City nitong Biyernes ng madaling araw.

Hawak ngayon ng Bacoor Component City Police Station (CCPS) ang suspek na si alyas “Jason”, ng Brgy. Bayanan, Bacoor City dahil sa reklamo ng kanyang sariling ina.

Ayon sa ulat, inaresto sa mga tanod ng Brgy. Molino 1, Bacoor City si alyas “Jason” makaraang ireklamo ng kanyang ina dahil umano sa pagnanakaw ng kanyang pera.

Nang magkaharap-harap sa tanggapan ng Barangay sa Molino 1 ng naturang lungsod bandang alas-12:40 ng madaling araw, pilit na kinuha ng nanay sa suspek ang itim na belt bag nito.

Pagkaraan ay inabot sa lola nito na naroroon din sa lugar. Nang binuksan ay tumambad ang tinatayang mahigit sa 1gramo ng umano’y shabu na may standard drug price na P6,800, improvised glass, lighter, isang cellphone at P750 cash, dahilan upang tuluyang ipaaresto at i-turn over sa pulisya. (SIGFRED ADSUARA)

6

Related posts

Leave a Comment