(TRACY CABRERA)
INTRAMUROS, Maynila — Nagsagawa ng makasaysayang kick-off motorcade rally ang grupong kumakatawan sa mga fire at rescue volunteers sa buong Pilipinas kaninang umaga na nagsimula sa harap ng Bureau of Immigration sa Intramuros Maynila bilang hudyat ng pagsisimula ng campaign period para sa darating na halalan sa Mayo 12.
Mahigit na 200 sasakyan ng mga fire at rescue volunteer ang nakilahok kabilang ang nasa 3,000, taga suporta mula sa iba’t ibang organisasyon na nagpakita ng pakikiisa sa Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list group.
Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) ay pinangungunahan ni first nominee Jose Antonio ‘Ka Pep’ Goitia, na sinamahan ng iba pang nominado na sina Leninsky Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Alfonso Goitia, Carl Gene Moreno Plantado at Howie Quimzon Manga.
Ayon kay ‘Ka Pep’ Goitia, maghahain sila ng mga lehislasyon para sa kapakanan ng mga fire volunteer and rescue na katuwang sa mabilis na pagtugon sa mga sunog at gayun din sa ibang mga sakuna at emergency situation tulad ng pagbaha at lindol sa bawat komunidad sa bansa.
Sinabi pa ni Goitia na magsusulong din sila ng batas para magkaroon ng karagdagang benepisyo ang lahat ng mga volunteer firefighter at rescuer na palagiang ha da sa pagresponde sa mga pangangailangan ng publiko.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)